Tuesday, November 3, 2009

kasabihan #4

may text na kumakalat at ang sabi:

Ang pinakamahirap at napaka B.I. na tanong:

"tol, papasok ka?"

ang mapanuksong sagot:
"ikaw?"

nakakapressure na sagot:
"ewan ko nga eh"

the best na sagot:
"pag di ka pumasok, di na din ako papasok"

which results to:
"tara, wag na tayo pumasok!"


sabi q naman at ang madalas kong reply:

"Walang pasok kung walang papasok!"

Saturday, September 19, 2009

taktika #2

okay, yung unang taktika na tinuro ko sainyo was about the art of cheating, this time the art of absent-ing naman ang ituturo ko. ihanda na ang mga excuse letter at simulan n'yo nang basahin.

mga pagpipilian n'yong rason kaya kayo ay absent:

1. may sakit- best seller of all time po ito. at para makalusot kayo talaga at hindi na hingian ng medical certificate, heto ang mga sakit na pwede n'yong gamitin:

  • dysmenorrhea- girls gaano kadalas ba natin itong nagagamit na excuse. palibhasa hindi rin naman pwedeng i-check di ba?
  • sipon
  • ubo
  • migraine
2. may namatay- alam kong bad ito kaya bihira ko din itong gamitin. pero when desperate time comes ay no choice ako kung hindi patayin ulit ang matagal nang namayapang lola at lolo ko. tsk! tsk! kawawang lola at lolo.

3. na pilayan- madalas ko itong rason pagmaulan kasi syempre madulas kaya super posible talaga. hindi ko nga maalala kung ilang beses na akong nahulog kunwari sa hagdan.

4. may pinapaasekaso si mama- effective rin ito kung minsan.

5. may may sakit sa pamilya- syempre idadagdag mo ang rason na ikaw lang ang pwedeng maiwan at mag-alaga sa kawawa mong kapatid.

6. naaksidente ang sinasakyang jeep- okay. okay. bad din ito pero kapag kagipitan na eh wala ka ng magagawa pa.

7. may family gathering or family problem- syempre hindi na kailangang usisain pa kung ano yung problema di ba?

8. ini-LBM- madalas ay totoong rason ko ito pero minsan nagagamit ko ding palusot.

9. nagpa-manila or island at hindi kaagad nakauwi- pwede rin di ba?

10. nasa ospital- whether may nanganak, may sakit o tumatambay lang talaga ay pwede ring i-rason.


kapag may naalala pa ako ay isusulat ko ulit. abangan...

Thursday, September 17, 2009

pilosopiya #2

hey! hey! i'm back! kung may nagbabasa man ng blog kong ito nais lang itanong kung nagklase ka kanina?

Intrams samin at dahil ulirang estudyante ang pato na ito ay syempre... hindi ako pumasok!

Dahil may bahid ako ng pagiging human rights activist, nais kong ipaalam saaking kapwa estudyante na tayo po ay may karapatang mag-ABSENT sa klase. para saaming paaralan, entitled kami sa at most 9 absences. nais ko lang sabihin na kailangang i-exercise mo ang human rights mo.

okay. sa mga baguhan dyan, ito po ang lista ng mga araw na dapat kang mag-absent:

1. birthday mo- kung nais mong maiwasan ang mga palibre-libre.

2. ang next class meeting after ng exam- example: mwf ang class mo sa statistics. wednesday nagmidterm kayo then sa friday mag-absent ka na. that day is what i'd like to call as day-off.

3.intrams- kung hindi ka rin lang naman player pwes at pwes umuwi ka na. manood ka na lang ng tv.

4.unang week makalipas ang mahabang sembreak- siguradong magulo pa nyan ang class schedule so siguradong tambay-tambay rin ang kakalabasan mo.

5. pagmaulan (at sadyang inviting ang kama mo)- wala rin namang gana ang prof mo magturo nyan at wala rin ka namang maiintindihan nyan.

6. pag may sakit ka- wala ka ring kwenta nyan. wala kang silbi sa groupings at wala ka ring maiintindihan. walking germs ka lang!

7. after makipag-break up- wala rin naman ang utak mo sa klase.

8. pag-friday- wala lang. katamad na kaya eh.

9. pag-isa lang subject mo sa isang araw- tandaan: mahal na ang bilihin ngayon. mahal na ang sabon panlaba. tulong mo na rin kay nanay mo ang isang araw na tipid sa labahan.

10. araw after ng isang mahabang weekend- panigurado may hang-over pa ang mga prof nyan.

11. birthday ng prof mo- mabait yan for sure

12. pag di rin naman nagchecheck ng attendance- ayos lang yan.

13. pag-strike-kahit over the bakod lang bahay nyo. matuto kang makisama sa mga kaklase mo.

14. pag alam mong konti lang papasok- remember: no man is an island

15. pag may workshop/seminar mga kaklase mo- konwari kasali ka rin


oh iyan muna dahil ethnic ang schedule ko. mag-ba-blog na lang ulit ako. kung may idea kayo then go and comment para maikalat natin at maipaglaban ang ating human rights!

Saturday, September 12, 2009

kasabihan #3

itong kasabihang ito ay natutunan ko sa aking kapwa ulirang estudyante. ito ang madalas naming pananggalang sa mga KJ sa buhay namin. madalas ito rin ang ginagamit namin panghugot ng mga tagasunod sa aming mga dakilang gawain. nawa'y maliwanag rin kayo nitong aming kasabihan.

ang pag-aaral andyan lang 'yan
pero ang paggimik bibihira
tama na naman ako di ba? ang pag-aral andyan lang yan, kahit sa jeep kaya mong gawin ,pero, dahil sa busy schedule mo at ng mga kaibigan mo, ang isang araw ng pagsasaya at pag-bi-build ng camaraderie ay lubhang bibihira. kaya nga dapat i-grab na agad ang once in a life time chance dahil malay mo may bonggang mangyari sa barkada tapos ikaw lang di makarelate. tandaan: drop out din si bill gates pero nuknukan ng yaman. ang sekreto nya: sumama sa gimik ng mga kaibigan. aha!aha! tandaan ulit: ang seryoso at straight sa buhay mabilis na kinukuha ni Lord. biro lang.

Friday, September 11, 2009

kasabihan #2

kung ikaw ay katulad kong nakikitira lang sa ilalim ng bubong ng matandang babae na may pusa (in short, border) ay siguradong sanay ka na mapagalitan ni sir at madam dahil nahuli naman sa pasukan. ang tanging sagot ko dyan ay:


better late than absent
pasalamat pa nga kayo na pumasok ako! biro lang. di ko naman yun kayang sabihan pa matapos umeksena sa klase dahil late. pero tama naman di ba? tama! tama! tama! at least nag-effort ka pa na pumasok at hindi na lang tinuloy-tuloy ang tulog. 

Sunday, September 6, 2009

taktika #1

lubos kong pinaniniwalaan na ang pangongopya ay isang dakilang gawain na tanging matatalino lang ang may kayang isakatuparan ng walang kapalpakan. cheating is an art. alam kong nagtaasan na ang kilay nyo at ang butas ng ilong mo ay lumaki na pero hindi kita pipigilang i-express ang iyong sarili kaya sige lakihan mo pa ang iyong ilong. aking ipapaliwanag sa maikling paraan kung bakit tanging magigiting lang at tunay na mga henyo ang kayang isakatuparan ang matandang kaugaliang ito tuwing exam. oo, maaaring tanga nga kami dahil kami ay nangongopya pero matalino kami dahil paulit-ulit man kaming nangongopya hindi naman kami nahuhuli. BLEH!

ito ay ang simula ng aking pagbabahagi ng aking mga natutunang taktika o art of cheating na tested and proven ko ng walang sablay. ngunit tandaan: MARAMING SUMUBOK PERO MATATALINO LANG ANG HINDI NAHULI.

taktika#1: tumabi sa nag-aral na barkada at siguraduhing pareho kayo ng tinta ng ballpen.

ika nga nila ay "nobody is an island" so therefore make friends not war. sabi rin nila "sa panahon ng kagipitan ang tunay na kaibigan ang maaasahan". gamit ang mga kasabihang ito ay black mail-in mo ang kaibigan mo na alam mong nag-aral. ikaw ay tumabi at ihanda ang iyong ballpen at sarili. siguraduhing pareho kayo ng tinta. kapag nakatalikod na ang prof ay ipagpalit ang papel mo sa kaibigan mo. pasagutan sa kanya ang mga di mo nasagutan at ikaw naman ay galingan sa pag-arte na kunwari'y nag-iisip. kapag palaging nakaharap ang prof ay i-signal sa kaibigan na sabay nyong ihulog ang inyong papel. pulutin mo ang sa kanya at gawin na ang susunod na hakbang. maaaring gawin ulit ang proseso para maibalik ang papel mo saiyo. maaari ring hintayin na lang na malingon ang prof.

AT FIRST IF YOU DON'T SUCCEED... TRY AND TRY UNTIL YOU GET KICKED OUT.

Saturday, September 5, 2009

pilosopiya #1

maliban sa kasabihan ko na una kong nai-blog, ito pa ang sinasagot ko kapag may nagtatanong saakin kung bakit ako hindi nag-aaral kahit may exam ako:

kaibigan... dalawang uri lang ng tao ang nag-aaral
ang tanga at ang mayabang
ang tanga ay nag-aaral dahil tanga nga sila. walang stock knowledge na lubos kong pinaniniwalaang siyang tanging kailangan upang mabuhay sa mundong ito.
ang mayabang ay nag-aaral dahil gusto pa nilang magyabang. matalino na nga, alam ang mga sagot tapos nag-aaral pa din? mayabang nga!
ikaw kaibigan aling uri ka ng tao?